Kailangan mo ng isang sagot at hindi pa natagpuan ito sa aming website?


Nais kong gumawa ng isang katanungan

Halimbawa ng bionote ng isang estudyante

Halimbawa ng bionote ng isang estudyante




Gawin mo Pag-login o Magrehistro upang makapag-puna


Sagot mula sa ricardo à 1 year

Pinanganak sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong ika-labing lima ng Abril taong 1999. Siya ay nag aral ng kanyang Primarya sa Maria Aurora Central School ngunit kalaunan ay lumipat sa Sagana Elementary School sa Nueva Ecija at doon tinapos ang kanyang Primarya. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya bilang junior high sa Angelcare Science Academy sa Baler, Aurora at siya ay kasalukuyang nag- aaral sa Aurora National Science High School bilang isang Senior High School Student.

Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad ng MTAP, History Quiz Bee at DSPC, naging President din siya ng SPG o Supreme Pupils Government noong  siya ay nasa elementarya, at nagtapos bilang Valedictorian sa kanyang klase. Sa sekondarya ay patuloy pa din siyang nakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon at siya ay nagtapos na may ikalawang karangalan. Ngayong siya ay nasa Senior High siya ay nangangarap na makapag-aral sa University of Baguio at makapagtapos bilang isang Dentista.

0